Politics

PETER LIM AT IBA PA BINALAAN NG DOJ

10a

May babala ang DOJ o Department of Justice sakaling hindi makadalo sa itinakda nilang prelimenary investigation laban sa tinaguriang bigtime drug lord ng Visayas na si Peter Lim at iba pa.

May kaugnayan ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o and Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isinampa laban kina Lim dahil sa pagpasok nila sa talamak na kalakalan ng iligal na droga.

Ayon sa DOJ, kung hindi sila makadadalo ay ang mga piskal na ang magreresolba sa reklamo batay na rin sa mga dokumentong isinumite ng PNP CIDG o Criminal Investigation and Detection Group.

Sakali namang makadalo sa ipinatawag na pagdinig, kinakailangang makapagsumite ng mga respondent ng kanilang kontra salaysay ngunit hindi sila papayagang makapaghain ng motion to dismiss.

source: dwiz882am

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top