Politics

ILOILO CITY MAYOR AMINADONG NANGANGAMBA RIN MATAPOS MABALITAAN ANG NANGYARI SA OZAMIS CITY

15

Aminado si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa nangangamba siya matapos mabalitaan ang pagpatay kay  Ozamiz City Mayor Reynaldo “aldong” Parojinog Sr. at 14 na iba pa.

Ayon kay Mabilog, kampante siya na  sa pagkakataong ito ay   magiging patas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-trato sa Iloilo City na kanyang tinawag na “most shabulized” sa bansa.

Malayo anya sa pagiging isang “shabulized” city ang Iloilo  dahil noon pa man ay mahigpit ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.

Kabilang  si Mabilog sa narco-list ni Pangulong Duterte habang si Parojinog ang ikatlong alkalde na napaslang matapos sina Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Mayor Samsudin Dimaukom at Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa  na pawang nasa listahan din.

source: dwiz882am.com

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top