Opinion

Panukalang National ID system ng Bansa, lusot na sa Kamara

Duterte Id

Inaprubahan na ng komite sa Kamara ang panukala na magtatag ng national ID system sa bansa.

Pumasa ngayong araw ang substitute bill para sa Filipino identification system sa House committee on Population and Family Relations.

Ayon kay chairperson ng committee na si Laguna Rep. Sol Aragones. “Kung dati, napakarami nating ID, halos masira ang wallet natin sa dami ng kailangang iprisintang ID, sa pamamagitan nito ay isa na lang gagamitin nating ID at nag-identify tayo na magagamit ito sa iba-ibang ahensya ng gobyerno,”

Sa ilalim nito ay mandatory mula sa edad 18 pataas na kumuha ng national ID, libre sa unang pagkakataon pero kapag mag pa re-issue ay may bayad na ito. Ang Philippine Statistics Authority ang siyang mangangalaga sa personal na datos ng ID, na hindi maaaring ilabas ng walang permiso.

May parusang 2 taong pagkaka bilanggo at multa na 50 hanggang 500K ang sinumang magbibigay ng maling personal information at gagamit nang hindi wasto sa ID.

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top