Politics

Sandiganbayan: Pagdinig sa plunder case ni Enrile tuloy

juan ponce enrile

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na dispatsahin na ang isinampa sa kaniyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Sa 19-pahinang resolusyon, sinabi ng Third Division ng anti-graft court na wala namang naibigay na sapat na rason si Enrile upang baligtarin ang nauna nang hatol ng korte noong Enero 31 na pinaboran ang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman.

 “This issue had been duly considered and thoroughly passed upon by the Court in its assailed Resolution to wit: The facts charged in the information constitute the crime of plunder; hence accused Enrile’s motion to quash must be denied,” nakasaad sa desisyon na isinulat ni Third Division chairperson and Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Sa motion to quash at motion for reconsideration ni Enrile, sinabi niyang wala namang alegasyong nakasaad sa charge sheet na kumubra siya ng pera tulad ng pagkakasaad sa Republic Act 7080 o ang Plunder Law na “amassed, accumulated or acquired through a combination or series of overt or criminal acts”

Sinabi pa ng Sandiganbayan na nauna na ring kinatigan ng Korte Suprema ang kaso.

“Accused Enrile cannot be allowed to relitigate the same issue already decided with finality by no less than the Supreme Court. Any contrary ruling would be in gross violation of the principle of res judicata (conclusiveness of judgement) rule,” nakasaad pa sa resolusyon.

Inakusahan si Enrile ng pamumulsa ng P172.834 milyong halaga ng mga kickback mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel.

Pinadaan umano ang pondo sa mga pekeng non-government organizations ng itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Kasalukuyang nakakulong si Reyes sa Bureau of Jail Management and Penology Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, habang sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si Napoles.

Isinailalim sa hospital arrest si Enrile sa Philippine National Police General Hospital at nakalaya siya noong Agosto 2015 matapos pumayag ang mataas na hukuman na makapagpiyansa siya.

source: Pilipino Star Ngayon)

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top