Politics

New York Times ‘asshole’ – Digong

newyork

MANILA, Philippines –  Tinawag na ‘asshole’ ni Pangulong Duterte ang New York Times (NYT) matapos siyang batikusin sa editorial nito kamakailan na may titulong “Let the World condemn Duterte”.

Sinabi ng Pangulo sa media interview matapos ang bilateral talks nila ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa Malacañang, na ang New York Times ang dapat huminto sa kanilang publikasyon.

“It’s about time The New York Times must stopped their publications,” sabi ni Pangulong Duterte.

Aniya, napaka-asshole ng NY Times dahil hindi naman nito mabatikos ang sarili nilang mga pagkakamali.

Hindi rin pinaligtas ni Duterte ang tinatawag niyang mga corrupt sa media kung saan ay muling binatikos nito ang Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN at Inquirer.net.

Siniguro ng Pangulo na kukunin ng gobyerno ang dapat makuha ng gobyerno sa porma ng buwis partikular na tinukoy nito ang mga may-ari ng PDI.

“I will claim what belongs to the government,” dagdag pa ni Duterte kahit inaawat na ng Malacañang staff ang media sa pagtatanong subalit nais pa rin ng Pangulo na magsalita hinggil sa corruption sa media.

“I stand by my sayings. Kayo ang nagiikot-ikot ng storya. Wala akong sinabi na di ko ginawa,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagbanta din si Duterte na haharangin na niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagiging swindler nito kung saan ay naging biktima siya nito noong eleksyon.

Aniya, nagbayad siya para sa isang political ad sa ABS-CBN noong kampanya subalit hindi naman nailabas kaya ng binabawi niya ang naibayad ay ayaw naman daw ibalik sa kanya.

Hindi din nakaligtas sa batikos ng Pangulo ang Amnesty International (AI) kung saan ay nais nitong isama sa diskusyon sa ASEAN Summit ang tungkol sa human rights.

Wika pa ng Pangulo, hindi dapat nakikialam ang AI na ito sa usapin ng ASEAN kasabay ang paggiit na matagal na niyang pinaimbestigahan ang extra judicial killings at siniguro na wala itong pahintulot ng pamahalaan.

source: Pilipino Star Ngayon

 

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top