Uncategorized

AFP di magpapadala ng patrol ship sa Scarborough Shoal

bajo-de-masinloc

MANILA, Philippines – Walang planong magpadala ng mga patrol ship ang AFP sa Scarborough Shoal, nasa 124 nawtikal na milya ang layo sa karagatan ng Masinloc, Zambales.

Ito’y sa gitna na rin ng ulat na nakakalapit na ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal na hindi na binu-bully ng Chinese Coast Guard na nagbabantay sa nasabing teritoryo na inaangkin din ng mga ito.

“The AFP welcomes the recent development that have been monitored to be happening in the area and we hope this continues in the interest of all those who are getting their livelihood out of the area’, pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla.

Sa kabila nito, sinabi ni Padilla na patuloy naman ang isinasagawa nilang pagmo-monitor sa mga kaganapan sa nasabing teritoryo na inaangkin din ng China.

Sinabi ni Padilla na masyadong sensitibo ang isyu sa pagmamay-ari sa Scarborough Shoal na mas kilala rin bilang Panatag Shoal kaya kailangang kalkulado ang kanilang mga galaw upang hindi lumikha ng maling interpretasyon sa China.

Sa ngayon po ay hindi po tayo magpapadala ng barko­. Monitoring lang po tayo at hayaan po natin na ‘yung current conditions ang siyang nangyayari”, ayon pa sa AFP Spokesman.

Sa tala ang Scarborough Shoal ay nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone ng bansa habang malayo naman ang distansiya nito sa China na halos nasa 500 nawtikal na milya pero sa kabila nito ay iginigiit na ba­hagi ng kasaysayan ng kanilang bansa ang lugar na isang mayamang lugar na pangisdaan.

source: philstar.com

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top