Uncategorized

Lider ng Espinosa Drug Group, nadakma

espinosa-drug-group

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nahulog sa kamay ng pulisya ang tinaguriang “Hari ng Kalye Demonyo” ng Norzagaray, Bulacan na nakatakas sa drug raid noong Sept. 2016 matapos itong madakma mga mga awtoridada sa bahay ng kanyang ina sa liblib na Barangay Lusod sa bayan ng Maddela, Quirino kamakalawa.

Ayon kay P/Chief Insp. Godofredo Wasin, hepe ng Maddela PNP, inaresto ang suspek na si John Eric Espinosa, 32, sa bisa ng tatlong warrant of arrest na ipinalabas ng korte noong 2015 sa Bulacan na may kasong child abuse.

Base sa tala ng pulisya, si Espinosa ay sinasabing ang pinakamalaking supplier ng shabu sa bayan ng Norzagaray ay nakatakas kasunod ng ikinasang raid sa kanyang drug den sa “Kalye Demonyo” kung saan apat sa kanyang tauhan na nanlaban sa mga pulis ang bumulagta. Umabot naman sa 12 kabataang lango sa droga ang nasakote sa nasabing lugar.

Nasamsam kay Espinosa ang apat na plastic sachets ng shabu.

Ayon kay Wasin, natiktikan ng pulisya si Espinosa habang nagpapalamig sa kanilang teritoryo at para na rin mangaluluwa sa dara­ting na Undas.
source: philstar.com

Comments

comments


Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top