Uncategorized

Mga Kano hingan ng visa! – Duterte para patas

Philippine President Rodrigo Duterte speaks to Zhang Dejiang, chairman of the Standing Committee of the National People's Congress of China, at the Great Hall of the People in Beijing Thursday, Oct. 20, 2016. China and the Philippines have agreed to resume a dialogue on their dispute over the South China Sea, a senior Chinese diplomat said Thursday following talks between the countries' leaders. (Wu Hong/Pool Photo via AP)

MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Rod­rigo Duterte na mag­patupad ng visa requirements para sa mga Amerikano na gustong magtungo sa Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga negosyante sa Beijing, China.

Ayon sa Pangulo, dapat ay maging patas lamang ang labanan dahil ang mga Pinoy na gustong magtungo sa US ay kailangan ng visa at dumadaan pa sa butas ng karayom para lamang makakuha nito.

Ikinuwento din ni Du­terte ang masamang ka­ranasan niya sa mga US immigration officers sa Los Angeles airport noong dumaan sila dito kasama ang ilang kongresista upang magtungo sa Brazil.

Aniya, kung ano-ano ang hinanap sa kanya ng immigration officer sa LA airport hanggang sa nais siyang i-detain nito dahil hinahanap pa ang kanyang authority to travel.

“So I said, if you detain me any further and if there’s a plane available going back to the Philippines now, I’d be happy to ride. That was the last time I went to America. Maybe sometime soon the Americans come to my country for business and all, including pedophilia,” kwento pa ni Pangulong Duterte.

“And they come to my country sans a visa, they do not need it, they go there as if they own the place. Maybe thinking that it was only until now. If you are planning to go to my country, you get a visa from where you come from,” dagdag pa ni Duterte.

source: philstar.com

Comments

comments


1 Comment

1 Comment

  1. ben nye makeup wholesale

    April 21, 2017 at 10:33 am

    Mga Kano hingan ng visa! – Duterte para patas – News Info

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top