Politics

Ebidensiya pa vs De Lima ilalantad

leila-de-lima-not-safe

MANILA, Philippines – Muling ibubunyag ngayong araw sa pagdinig ng House Committee on Justice ang ilang insidente pa ng paghahatid umano ng salapi kay dating Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, vice- chairman ng Commitee on Justice, na mas mabigat ang nilalaman ng supplemental affidavit ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos kung saan magpapatunay ng pagtanggap ng salapi umano ni de Lima sa pamamagitan ng dating driver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan.

Una na rin tumestigo sa pagdinig ng Justice Committee si Ragos kung saan inamin niya na dalawang beses siyang naghatid ng tig P5 milyon kasama ang dating NBI agent na si Jovencio sa bahay ng dating Kalihim sa Paranaque.

Paliwanag pa ni Veloso na sa supplemental affidavit ni Ragos ay tatlong beses pa siyang nag deliver ng tig P800,000 kay Dayan para kay de Lima noong Enero, Pebrero at Marso 2013 at galing umano ang nasabing halaga sa caterer sa National Bilibid Prisons (NBP).

Bukod dito, may hiwalay pa umanong delivery na P1.7 milyon para sa Senadora na pinadaan kay Dayan noong Enero 2013 samantalang may hiwalay pa din na P1 milyon na mula naman sa isang German Agojo  na nagbayad para sa inaayos niyang pardon.

Giit naman ni Veloso, masyadong mabigat ito dahil kapag pinagtagpi-tagpi sa ibang affidavit ay tumutugma ang detalye sa testimonya ng iba pang saksi.

Samantala, posibleng maging huling araw na ito ng pagdinig ng komite kapag sumipot si Jaybee Sebastian.

Itinakda ang ika-apat na pagdinig ng komite nga­yong araw, alas ‪9:30 ng umaga.

Source: Philstar.com

Comments

comments


1 Comment

1 Comment

  1. James

    October 13, 2016 at 12:32 am

    Sa dmi ng ebidensya dpat arestuhin Na yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

The Latest

To Top